Official music video of “Sa Pag-ikot Ng Mundo” by Siakol.
Iangat mo na ang telepono
At darating ako
Kahit na sumasakit itong ulo
Iangat mo na rin ang iyong mukha
Wag kang mabahala
Hindi ko tatawanan ang iyong pagluha
Hindi ba’t sabi ko sa ‘yong tigilan mo na yan
Ang pag-iisip mo sa walang katuturan
Hindi maalis ng alak at ng pag-iyak
Bigyan mo ng daan ang bago mong tinatahak
Sari-saring pangyayari pa ang iyong makikita
Sari-saring bagay-bagay pa na mas mahalaga
Ngayo’y sabihin mo kung hindi ka pa kuntento
Marami pa’ng magaganap dito sa pag-ikot ng mundo
Iabot mo na sa ‘kin ang baso
At tatagayin ko
Kahit pa sumasakit itong ulo
Iabot mo na rin ang gitara
At tayo’y kakanta
Ng Tito, Vic, & Joey para masaya
Hindi ba’t sabi ko sa ‘yong tigilan mo na yan
Ang pag-iisip mo sa walang katuturan
Hindi maaalis ng alak at ng pag-iyak
Bigyan mo ng daan ang bago mong tinatahak
Sari-saring pangyayari pa ang iyong makikita
Sari-saring bagay-bagay pa na mas mahalaga
Ngayon sabihin mo kung hindi ka pa kuntento
Marami pang magaganap dito sa pag-ikot ng mundo

Sa pag-ikot ng mundo
Sa pag-ikot ng mundo