Juris – Kahit Di Mo Sabihin

Official music video of “Kahit Di Mo Sabihin” by Juris.

Kahit Di Mo Sabihin Lyrics

Kahit di mo sabihin
Aking napapansin
Di na kita pipilitin
Dahil di mo naman aaminin

Nagbago ang higpit ng yakap mo
Nagbago rin kung paano mo tawagin ang pangalan ko
Ang halik mo’y nagbago
Di ko alam bakit nagkaganito

Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Ayaw mo nang magpatuloy pa
Kahit na sabihing mahal pa kita
Walang magagawa kung ayaw mo na
Paano na
Di ko kayang mag-isa

Kahit di mo sabihin
Damang-dama pa rin
Wala na ang kislap ng ‘yong mata
Tuwing ikaw ay kasama
Wala na ang dating saya
Yakap mo’y kay lamig na
Dating sigla
Sana’y magbalik pa

Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Paano na
Pagkat hindi ko kaya
Ayaw ko ng masaktan
Paanong pipigilang nararamdaman

Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Ayaw mo nang magpatuloy pa
Kahit na sabihing mahal pa kita
Walang magagawa kung ayaw mo na
Paano na
Di ko kayang mag-isa
Paano na
Di ko kayang mag-isa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *