Official music video of “Manalangin” ny The Juans.
Wala na bang magagawa?
Hindi ka ba nagtataka
Paligid ay tahimik, ngunit di payapa
Marami ang nangagamba
Ito ba ay matatapos pa
Lahat nagtatanong nasan ang kasagutan
Pano na bukas makalawa?
Pano pag ang hirap ay hindi ko na kinaya
Pano ba tayo magkakaisa?
Sa panahon na malayo sa isa’t isa
Hangga’t may nakikinig sa panalangin
Di mawawala ang pag-asa natin
Ikaw at ako
Babangon tayo
Sama-sama lahat ay susulong
Basta tayo’y magtutulong-tulong
Lilipas din
Matatapos din ang dilim
Manalangin
Manalangin
Manalangin
Matatapos din ang dilim
Lahat ay may magagawa
Magbigay magpaubaya
Palitan ang alitan ng pag-unawa
Malay mo bukas makalawa
Hirap ay sabay-sabay nating kinaya
Pano kung tayo’y magkaisa
Sa panahong kailangan ang isa’t isa
Hangga’t may nakikinig sa panalangin
Di mawawala ang pag-asa natin
Ikaw at ako
Babangon tayo
Sama-sama lahat ay susulong
Basta tayo’y magtutulong-tulong
Lilipas din
Matatapos din ang dilim
Manalangin
Manalangin
Manalangin
Matatapos din ang dilim
Basta’t tayo’y magtutulong
Sama-sama lahat ay susulong
Di mangangamba, di matatakot
Matatapos din
Lilipas din ang dilim
Hangga’t may nakikinig sa panalangin
Di mawawala ang pag asa natin
Ikaw at ako
Babangon tayo
Sama-sama lahat ay susulong
Basta tayo’y magtutulong-tulong
Lilipas din
Matatapos din ang dilim
Lilipas din matatapos din ang dilim
Lilipas din, matatapos din ang dilim