Maris Racal – Ikaw Lang Sapat Na

Studio recording of “Ikaw Lang Sapat Na” by Maris Racal.

Ikaw Lang Sapat Na Lyrics

Nagsimula sa aking pusong humihiling
At no’ng ika’y nakita, ‘di makapaniwala
At no’ng nakilala, ayaw na kitang mawala
Oh, alam mo ba, gusto kong sabihin na

Gusto kitang makasama sa habang-buhay
Pero kailangan munang maghinay-hinay
Kahit araw ko’y malungkot, kahit puso ko’y kumikirot
Di ko kailangan ng gamot, dahil, aking mahal
Ikaw lang, sapat na
Ikaw lang, sapat na

Oh, kahit araw ko’y malungkot, kahit puso ko’y kumikirot
Di ko kailangan ng gamot, dahil, aking mahal
Ikaw lang, sapat na

No’ng ika’y nanligaw, puso ko’y biglang napukaw
Sinabayan mo pa ng boses mong nakakatunaw
At lumapit ka, biglang ‘di nakapagsalita
Oh, konti na lang, sasagutin na kita, haa…

Gusto kitang makasama sa habang-buhay
Pero kailangan munang maghinay-hinay
Kahit araw ko’y malungkot, kahit puso ko’y kumikirot
Di ko kailangan ng gamot, dahil, aking mahal
Ikaw lang, sapat na

Kapag hawak ko na ang ‘yong mga kamay
Hindi na kita ‘papakawalan, ito’y tandaan, haa…

Gusto kitang makasama sa habang-buhay
Pero kailangan munang maghinay-hinay
Kahit araw ko’y malungkot, kahit puso ko’y kumikirot
Di ko kailangan ng gamot, dahil, aking mahal
Ikaw lang, sapat na
Ikaw lang, sapat na

Oh, kahit araw ko’y malungkot, kahit puso ko’y kumikirot
Di ko kailangan ng gamot, dahil, aking mahal
Ikaw lang, sapat na

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *