Krizza Neri – Sana Kahit Minsan

Official music video of “Sana Kahit Minsan” by Krizza Neri.

Sana Kahit Minsan Lyrics

Bakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda
Nais kong marinig malamyos mong tinig
Na sa aki’y aliw at tila ba ito’y hulog pa ng langit

Pag nakita ka na’y ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsa’y hinahagkan, yakap-yakap kita
Ngunit sa paggising ko ay di pala tunay at nanghihinayang na

Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman mong ika’y mahal at yan ay totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa ‘yo

Pag nakita ka na’y ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsay hinahagkan, yakap-yakap kita
Ngunit sa paggising ko ay di pala tunay at nanghihinayang na

Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman mong ika’y mahal at yan ay totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa ‘yo

Hanap ng puso ay laging ikaw
Tanging nais ko ang iyong pagmamahal
Sana’y sabihing mahal mo rin ako
Ikaw ang tawag ng damdamin ko

Sana ay mapansin ako
Malaman mong ika’y mahal at yan ang totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay
Ikaw ang nais sa habang buhay
Ang pag-ibig na alay ko sa yo’y tunay
Sana kahit minsan…
Sana kahit minsan…
Sana kahit minsan…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *